Friday, November 27, 2020

Dalawang Mundo with Literary Analysis

“Rowela, ika’y masyadong maamo sa mata ng nakararami, nais mo bang sumama sa bayan ngayong linggo? Tayo’y sasayaw lamang at titikim ng sinasabi nilang bagong tuba.”

Ito ang kadalasang aking narirrinig pag sumapit ang kasiyahan sa bayan naming puno ng mga ligaw na kabataan. Nais ko mang maranasan ang ibig nilang ipamulat sa aking mata sa realidad, ngunit ang sabi ng nakatatanda, “ika’y maging ehemplo sa mga dalagita sa kapaligiran.” At ang turo ng simbahan ay huwag mo munang ibigay ang iyong sarili sapagka’t wala kang nakikitang tagikaw sa iyong daliri. Gayunman, sinunod ko ito at ako’y nangako na sa hirap at saya, ako’y lalaban sa temptasyon ng tao.

Ako’y nasa tamang edad na, nauna pa nga sa akin ang mga batang aking nakasama sa kalye sa sandaling panahon, mga kababaihang nasa tamang edad pero hindi sa tamang estados ng buhay. Ngunit, batid ko’y hindi na ito ang mundong ginagalawan ng uliran kong imahinasyon, isang mundong puno ng tunay na pag-ibig at hindi kalibugan. Maituturi kang masama kung ika’y naligaw sa landas, nadala ka ng kasakiman ng mundo at ika’y kailangang magdusa, ngunit namulat ako sa katotohanang sila’y biktima lamang nang nakaraan; mga magulang na walang pakialam, mga kaibigang walang pangarap, mga kapamilyang puro pasakit at maling hinala ang dala, mga kasalanang hindi sila ang maygawa. Iilan lamang ito sa mga rason kung bakit kinakaiangan nilang pagdaanan ang landas na sa kanila pinadaan. Unti-unti kong naiintindihan ang tao at ang pangangailangan nito, kaya labis na lamang aking pagkamangha sa mga kabataang hindi nagagalaw, sila’y napaka tapang upang labanan ang maruruming isip na dala ng uri ng mundong kanilang ginagalawan.

Nagdaan ang panahon, akoy patanda ng patanda at gayundin ang pagkawala ng mga taong aking iningat-ingatan. Mga taong aking nakilala at sa aki’y nabighani, ay nasa ibang kamay na ngayon sa kadahilanang hindi ko maibigay ang kanilang hiling, isang hiling na alam kong ikasisira ng aking pangako at pangarap. Araw gabi ipinagdarasal kong ako’y bigyan ng lakas ng loob ng poong maykapal upang maisakatuparan ang aking ninanais. Sa kabila ng sakit na aking naranasan sa kamay ng mga lalaking aking naibigan, hindi ko lubos maisip kung bakit nga ba’y nag-iisa lamang ako sa mundong ganito ang hiling. Minsan ko nang natanong sa aking sarili ,

“Rowela , ikaw ba’y masaya sa landas na ito? Ikasasaya mo ba kung ikay tumiwala? Ikaw ba’y magpapatuloy na mag-isa kapag hindi mo ginawa ang gusto nila?”

Minsan ko naring nabasa ang buhay ng isang magkarelasyon na nagpakasal at siyaka pa lamang nila binahagi ang isat isa ngunit ito’y nauwi rin sa hiwalayan. Duon napagtanto kung hindi sukatan ng iyong birhinidad ang kasiyahan ng iyong hinaharap. Maaring ika’y malinis sa mata ng tao at ng Diyos, ngunit hindi ng iyong buhay na haharapin. Pilit kong nilalabanan ang kathang isip na ayaw tumiwala sa marumi kong utak. Inihiwalay ko ang aking sarili sa mukha ng mga lalaki upang mabigyan ng katiwasayan ang aking imahinasyon.

“Di mo ibig humanap ng kapares?”

Huling tanong aking naalala… sa may bintana ako’y nagpapahinga.

At labis na lamang ang kasiyahang aking nadama ng makita ko ang maginoong niyang mukha, dala – dala ang gitara habang inaawitan ang isang magandang binibini. Ako’y nabuhayan ng loob, at nasabing “nasa mundo na ako ng imahinasyon, mundong pinangarap kong tirahan noon”

At maya-maya’y narining ko ang isang pamilyar na boses, ang anak ng aking kapitbahay

“La, gamot nyo po”

Wakas….

Literary Analysis of Dalawang Mundo

For how else do you explain society's love for the being that has never received the pleasure of the body or the adoration we give those who have never connected with another human being on a primal level? Or the praise we give those who selfishly have not furthered the human race by keeping themselves to themselves? These were the questions that bother the persona of the story in her journey of knowing what's good and right.

Rowela was complimented for her innocent looks and has been asked by her friends to hang out and drink.  This shows that the persona was not exposed to the world outside the house. It was also stated that she was asked the same questions every time that their place would celebrate the fiesta. In today's time, mostly what we called friends are different from what we are, and that we tried to go with the trends. However, some people are struggling with who they wanted to follow; friends, family, books. We are taking time to assess what is good for us, at the same time right for us. Moreover, the story also indirectly reveals that the persona is a virgin and that she imagines herself giving it to the man who would treat her the way she wanted to be treated. For women, it is one of their prayers to meet someone that would give them the kind of love that they deserved, and not just taken for granted by men. The persona shows bravery in dealing with temptations that surround her.

At the end of the story, Rowela ended up being alone, and that only her neighbor took care of her, but she was happy seeing a guy who treated her girl in the way that she wanted before. It is sad to imagine how hard for her to keep herself alone, waiting for that time that she would get what she wanted.

In life, we over showed love to people without realizing that we also have to love ourselves before them, not to mention people nowadays are afraid of being alone and that they would give whatever it takes to be with someone even if they would lose their dignity.


No comments:

Post a Comment

From Miseducation to Reclamation: Addressing Colonial Mentality in the Philippine Education System

This paper discusses how colonial mentality pervades Filipino nationalism and identity, particularly in the shaping mechanism of consumer be...