Friday, November 20, 2020

Ituro Mo Aming Guro

Tagalog Poetry for Teachers

Nilikhang gawain gabay sa kaunlaran,

Nilikhang paraan tungo sa kaalaman

Nilikang antas sa akdang may nilalaman

Nilikang aralin para sa sambayanan

At higit sa lahat

Nilikang hangarin para sa mga gurong may damdamin sa bayan

At sa kabataang nais makamit ang pangarap na walang hanggan.

 

Ituro mo aking guro, ang iyong pagtuturo

Ito’y aking layunin, makamit ang gawaing nilikha para sa akin

Bansang aking nakagisnan,

Kabataang naway sandigan,

Guro’t mag-aaral, sa iisang silid aralan

Tayoy magdiwang, nawa’y makamit ang karunungan,

Kaya’t ituro mo aking guro, ang iyong pagtuturo

Ang mga mahahalagang paksa ng buhay sa mundong matira ang matibay

Ang mga nakagawiang patnubay na kailan ma’y hindi namamatay

Ang mga sumakop sa mga katutubong ating iningat ingatan

At ang kaibahan ng agham sa pilosopiya na gawa sa matinis na kaisipan

 

Kaya’t ituro mo aming guro, ang iyong pagtuturo

Sabay ang dugot pawis na iyong dinuro

Sabay ang mainit at maginaw na pagpapa-unawa

Sabay ang maliliwanag mong mukha

Sabay ang matatamis mong pangaral

Na sa pagtututo mo lamang naramdamang

kami’y may kakayahang gamitin ang tagubilin

sa pagpapalaks ng aming kaisipan at damdamin.

ituro mo aming guro, ang iyong pagtuturo

No comments:

Post a Comment

From Miseducation to Reclamation: Addressing Colonial Mentality in the Philippine Education System

This paper discusses how colonial mentality pervades Filipino nationalism and identity, particularly in the shaping mechanism of consumer be...