Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg
Paliwanang:
Dahil nangyayari sa kasalukuyan ang mga nangyayari sa kwento na nagpapahiwatig na ang kwento ay isang repleksyon sa tunay na buhay. At, romantisismo din ito sapagkat sinalaysay ng may-akda ang pagmamahalan ng dalawang tauhan.
Tata Selo ni Rogelio Sicat
Paliwanang:
Sapagkat ang panitikan na ito ay sumasalamin sa buhay ng isang magsasaka,
agawan ng lupa na kadalasan ay nauuwi sa patayan at repleksyon ng kahirapan at
diskriminasyon ng mga mayayaman laban sa mahihirap. Ang katotohanan ang
binibigyang-diin sa kwento at ang may akda ay may layuning ilahad ang tunay na
kalagayan na nangyayari sa lipunan.
Paliwanang:
Binibigyang
diin ng kwento heredity at kapaligiran ng tauhan na sa gayun naniniwalang
walang malayang kagustuhan tauhan.
Pinag-uusapan pa
lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti
ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang
dumating taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang
kinatatayuan, at sinamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang
sinasaka. Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong
panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib
sa pagtanggap sa pang-aapi ng may-ari ng lupa. Datapwat nang tanggapin niya ang
utos ng hukuman na pinaaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip.
Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya
matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.
Paliwanag:
Mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Sandosenang Sapatos ni Luis Gatmaitan
Paliwanang:
Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa isang dosenang sapatos. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang magulang sa isang anak. Ibig sabihin nito, kahit na may kapansanan pa ang isang anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at tatanggapin anumanang maging itsura o kalagayan niya.
Bangkang Papel ni Genoveva Edroza Matute
Paliwanang:
Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang nailathala ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan nagkamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring maglathala ng mga kwento ang awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.
Di Maabot ng Kawalang Malay ni Edgardo Reyes
Paliwanang: Malinaw
na nailahad sa kwento ang usapin ukol moralidad o aral na ipinahihiwatig nito,
gaya na lamang ng “kailangan talaga mag-aral at magsikap ng mabuti sa buhay
bago magkaroon ng anak, nangsagayon hindi magdusa ang magiging anak at ang
perang pinagpaguran ay nakukuha sa tamang paraan kasi ang salaping hindi
pinagpapaguran ay madaling mawala, at ang salaping galling sa sariling pawis ay
naibibili nang tama. Kailangang maimulat sa mga kabataan ang ganitong uri ng
pamumuhay upang magsilbing hamon upang magpursigi sa pag-aaral dahil sa panahon
ngayon, mahirap ang walang tinapos na kurso. Sana ay gabayan ng mga magulang
ang kanilang mga anak tungo sa magandang kinabukasan.
Dugo at Utak ni Cornelio Reyes
Paliwanang:
Ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan. Binigyang diin ng may-akda ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan, pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda. Ang paksa rin ay naka-ayon sa importansiya ng utak sa tao, na kaya nitong kontrolin ang takbo ng buhay ng tao.
Utos ng
Hari ni Jun Cruz Reyes
Paliwanang:
Sapagkat nalalaman nng mga mambabasa sa akdang ito ang saloobin ng isang mag-aaral at minsanang halimbawa ng mga estratehiya na ginagamit ng ibang mga guro na ginagawa pa rin sa kasalukuyan. Ito ay nagtataglay ng pagiging makakatotohanan sa isang sistema ng institusyon sa edukasyon. Sinasalamin ni Jojo ang mga estudyanteng nakakulong sa konsepto ng mapaniil na patakaran ng isang institusyon. Isa siya sa mga estudyante na maraming gustong sabihin pero walang karapatan para isatinig ito kaya napipilitin na lang na itago sa sarili. Maraming oras na gusto niyang isambulat ang kanyang nararamdaman pero hindi maaari kasi alam naman niya na hindi siya pakikinggan. Ito ang kadalasang damdaming tinatago ng mga mag-aaral ngayon. Ang Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes ay nagpapakita din ng realidad sa buhay-eskwela. Ang buhay ng isang pasaway na estudyante na may pasaway ring tropa. Ang pasaway na estudyante na kahit bata pa ay may kasintahan na. Ang pasaway na estudyante na may pasaway ring mga guro, tunay na makikita ang kasalukuyang kalakaran sa eskwelahan.
Ang Kalupi ni Benjamin Pascual
Paliwanang:
Ipinapakita
sa kwentong ito na anng tauhan ay walang malayang kagustuhan subalit ang
knayang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang kapaligiran, kung paano siya tingnan
ng lipunan base sa anyo at kalagayan nito.
Sapagkat ipinakita
sa kwentong ito ang sinapit ng bata dahil sa kanyang itsura at kalagayan sa
buhay. Napagkamalan ni Aling Marta ang batang siyang nandukot sa kanyang pitaka
dahil sa itsura nito. Dahil sa takot ng bata, ito ay nagtatakbo hanggang sa ito
ay masagasaan at mawalan ng buhay. Isang pagkakamali sa parte ni Aling Marta
sapagkat ang kanyang pitaka ay kanyang naiwan lamang sa kanilang tahanan.
Ngunit dahil sa nakita niyang itsura ng bata ay agad siyang nagbintang at hindi
na nakapag-isip man lamang. Isang panghuhusga sa kanyang parte na nagbigay ng
masamang kinahihinatnan sa bata.
No comments:
Post a Comment