Sanaysay
Naalala mo pa ba ang mga panahong kayo’y magkakasama pa ng iyong mga kaklase sa silid- aralan?Yung mga panahong nahaharap mo pa ang iyang mga guro? Mga panahong nayayakap mo pa nang mahigpit ang mga taong naging malapit sa paaralan? Mga panahong di kailangan ng internet, laptop o kaya nama’y selpon para lang maka usap sila? Para lang maihayag ng guro ang kanyang nais ituro?
Ito yung
mga panahong ninakaw sa atin ng isang nakamamatay at nakahahawang mikrobyo na
tinawag na Covid 19, at sa kanyang pagdating sa pinas, kinakailangang baguhin
ang sistema ng pagtuturo upang ma protektahan ang mga mag-aaral laban nito.
Bgong larangan ng edukasyon ang pinatupad ng pamahalaan. Mula sa personal na
pagkikita ay naging sa kompyuter, selpon, at modyul na lamang ang tanging gabay
upang maipagpatuloy ang nasimulang edukasyon ng mga kabataan. Masakit at
mahirap isiping kailangan natin pagdaanan ang ganitong sitwasyon pero tayo’y
lumalaban dahil ang pinoy ay palaban at hanggan ngayon pilit parin nating
hinaharap ang Edukasyo sa kabila ng pandemya.
Hindi man
nating mapagkakaila na mahirap talaga ang sitwasyong ating hinaharap ngayon.
Bilang isang mag-aaral, kailangan kong ibabad ang mga mata ko buong araw sa
laptop at selpon upang masagutan ko ang mga aktibidadis na pinasa ng mga guro
sa pamamagitan ng email, messenger at FaceBook. Kailangan kong unawain ang mga
tagubilin bawat asignatura ng mag-isa. Kailangan kong matutunang isaayos ang
mga gawain upang maipasa ko ang nasagutang asignatura sa itinakdang araw na
ito’t kailangan makita ng guro.
Gayunpaman,
andami kong natutunan sa bagong larangan ng edukasyon at naniniwala akong hindi
man naging maayos ang sistema ng edukasyon ngayon, balang araw maibabalik natin
ang nakagawiang pag-aaral sa loob ng paaralan. Laban lang tungo sa kaunlaran.
No comments:
Post a Comment